Balikatan Home Owners


Welcome Po!

Ang website pong ito ay nilikha upang ang lahat na Home Owners dito sa Pilipinas ay magkakaroon ng sapat na pagkakataon na maihayag ang kanikanilang saloobin tungkol sa Balikatan Housing Finance Incorporated o "Balikatan".

Alam po namin na isa po kayo sa maraming Filipino na humaharap sa malaking suliranin na mawalan ng tinitirhang Bahay dahil ito ay nababantang ma-"Foreclose" ayon sa alintuntunin ng Balikatan.

Ngunit, alam po nating lahat na inilakda na po kamakailan ng ating butihing Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Batas na "Anti-Foreclosure Bill".

Dahil po dito, inaanyayahan po namin kayong lahat na ihayag ang inyong mga kuro-kuro at opinyon tungkol sa pagbabanta ng Balikatan na ipo-"foreclose" ang ating mga bahay kahit na may Batas na "Anti-Foreclosure Bill" ngayon.

Huwag na po nating palalampasin ang pagkakataong ito na mag"post" dito sa FORUM ng inyong saloobin tungkol sa Balikatan. Gawin po natin itong website na isang BOSES nating lahat upang maiparating natin sa tamang kinaukulan ang tunay na nangyayaring pagbabanta, pananakot, at pagpawalang halaga sa ating hiling ng mga tauhan ng Balikatan Housing Finance Incorporated o Balikatan.

Salamat at God Bless po sa inyong lahat!